Home NATIONWIDE GDP ng Pinas noong 2025 bumagsak; target ng administrasyon, ‘di naabot

GDP ng Pinas noong 2025 bumagsak; target ng administrasyon, ‘di naabot

217
0

MANILA, Philippines – Tinatayang umabot lamang sa 4.8 porsiyento ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas noong 2025, na bumagsak mula 5.7 porsiyento noong 2024 at hindi naabot ang target na 5.5–6.5 porsiyento ng administrasyong Marcos, ayon sa forecast ng mga ekonomista.

Ayon sa mga eksperto, bumagal ang ekonomiya dahil sa malawakang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects, epekto ng malakas na bagyo, at patuloy na global trade tensions.

Ang pagbagsak sa consumer spending at public construction ay nakadagdag din sa hina ng paglago.

Sa kabila nito, may positibong epekto ang mataas na demand sa electronics exports at mga reporma sa kalakalan.

Upang tugunan ang slowdown, binaba ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang interest rate sa 4.5 porsiyento.

Inaasahan ng ekonomista na maaaring tumaas sa 5.5 porsiyento ang paglago ng GDP sa 2026 kung magiging maayos ang pagpapatupad ng badyet at reporma. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here