Home METRO Ilegal na droga, kemikal nasamsam ng Caloocan Police sa isinagawang raid sa...

Ilegal na droga, kemikal nasamsam ng Caloocan Police sa isinagawang raid sa isang paupahan

182
0
via PNP

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng raid ang Caloocan City Police Station sa isang rental room sa Barangay 176-D noong Enero 25, na diumano’y ginagamit bilang imbakan ng illegal drugs at kemikal.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrant No. SW-554 mula sa Regional Trial Court.

Nakumpiska ng pulisya ang drug paraphernalia at humigit-kumulang 20 litro ng illegal precursor chemical na ginagamit sa paggawa ng ipinagbabawal na droga.

Pinuri ni Mayor Dale “Along” Malapitan ang pulisya at iginiit na walang puwang ang droga sa lungsod, at ipapatupad ang batas para sa kaligtasan ng mga kabataan.

Sinabi ng awtoridad na ang nakumpiskang kagamitan ay ihahanda bilang ebidensya sa kasong kriminal sa ilalim ng Republic Act 9165, habang nagpapatuloy ang follow-up operations para mahanap at mahuli ang suspek. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here