Home NATIONWIDE Pagpapalawak ng DOH, PhilHealth benefits sa Pinoy middle class, ipinanawagan ni Recto

Pagpapalawak ng DOH, PhilHealth benefits sa Pinoy middle class, ipinanawagan ni Recto

233
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Executive Secretary Ralph Recto ang Department of Health (DOH) at PhilHealth na palawakin ang benefit packages, lalo na para sa mga middle-income contributors.

Ayon sa pulong noong Enero 20, binigyang-diin ni Recto na dapat makatanggap ng benepisyo ang mga Pilipinong regular na nagbabayad ng buwis at PhilHealth premiums na katumbas ng kanilang kontribusyon.

Tinalakay rin ang pagpapalakas ng zero balance billing para sa indigent patients at ang pag-ayos ng gaps sa coverage na pabigat pa rin sa mga pamilya.

Iniulat ng DOH na malapit nang matapos ang Healthcare Provider Network model para mas suportahan ang LGUs sa mataas na antas ng serbisyong medikal at mapabuti ang referral system sa ilalim ng Universal Health Care law.

Ani Recto, mahalaga ang mas malapit na koordinasyon ng national agencies at LGUs para maramdaman ng publiko ang mga reporma sa healthcare financing. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here