Home ENTERTAINMENT Gerald, ayaw sumawsaw sa Dennis-Julia issue!

Gerald, ayaw sumawsaw sa Dennis-Julia issue!

Manila, Philippines- Aminado si Janno Gibbs na tunay ngang kahanga-hanga ang guest nila ni Stanley Chi sa The Men’s Room sa One News Ph.–si Gerald Anderson.

Aside from the actor’s good looks, public knowledge ang mga kawanggawa ni Gerald sa mga nagdaang bagyo.

Siyempre, to spice up the interview ay kallangang may showbiz peg.

Isa nga sa mga pinaksa ay ang pamilya ng kanyang nobya, si Julia Barretto.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may pader pa ring nakapagitan kay Julia at mga kapatid nito and their father Dennis Padilla.

Pero hangga’t maaari raw, Gerald would rather not dip his finger into the issue.

“Family kasi ‘yan, eh. Kahit ako, hindi naman ako galing sa broken family pero lahat ng pamilya, may problema,” saad ni Gerald.

Acknowledging it as universal truth, dasal daw niya na one of these days ay magkakaayos ang mag-aama.

Probing further, tinanong ni Janno kung tinawagan ba siya ni Dennis.

“Sir Dennis” pala ang form of address niya noon sa komedyante.

Oo raw, back in 2019 nang makatikim ng pamba-bash si Julia who was accused of being the third party sa relasyong Gerald-Bea Alonzo.

Itinanggi na naman ni Julia na siya ang dahilan ng breakup ng dalawa, but the netizens wouldn’t give her a break.

Ipinaliwanag naman daw ni Gerald kay Dennis ang totoong kuwento.

Mula noo’y Tito Dennis na ang tawag niya rito.

“Basta ako, wala akong kinakampihan between Tito Dennis and his kids. I support both sides as I hope everything will be okay with them soon,” pahayag ni Gerald. Ronnie Carrasco III