MANILA, Philippines- Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakatanggap ito ng hindi kumpirmadong impormasyon na nakalabas na ng bansa si dating Presidential spokesperson Harry Roque.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, hindi pa ito kumpirmado at hindi aniya dapat nila ito tinatalakay sa publiko.
Sinabi ni Santiago na si Roque ay subject ng arrest order na inisyu ng Kongreso.
Si Roque ay na-contempt at iniutos ng House QuadComm na ikulong noong Setyembre 13 matapos tumangging magsumite ng mga dokumento na magpapaliwanag sa kanyang tumaas na yaman.
Ginawa ng QuadComm ang hakbang matapos inisyal na pumayag si Roque na magsumite ng dokumento na magpapaliwanag sa pagtaas ng kanyang assets sa ilalim ng Biancham Holdings and Trading na pag-aari ng pamilya mula P125,000 noong 2014 sa P3.125 milyon noong 2015 at P67.7 milyon noong 2018.
Sinabi naman ng Bureau of Immigration (BI) na walang na-monitor na anumang ginagawang paglalakbay ni Roque. Jocelyn Tabangcura-Domenden