TACLOBAN CITY- Sugatan sa pamamaril ang isang barangay kagawad o konsehal ng hindi natukoy na gunmen sa Barangay Cagnoot, Villaba, Leyte nitong Lunes.
Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Barangay Cagnoot Kagawad Jun.
Batay sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang isang motorsiklo at angkas ang kanyang asawa pauwi matapos mamili nang tabihan sila ng dalawang lalaki na nakasuot ng itim na damilt sakay ng motorsiklo.
Binaril ng isa sa mga suspek ang biktima sa pisngi. Nawalan siya ng kontrol sa motorsiklo at bumangga sa puno ng niyog.
Tumakas ang gunmen patungo sa Barangay Cagnocot proper at dinala ang biktima sa Villaba Community Hospital.
Kalaunan ay inilipat siya sa isang ospital sa Ormoc City, Leyte.
Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng pursuit operation at follow-up investigation. RNT/SA