Home ENTERTAINMENT Gerald, nagpa-hair transplant?

Gerald, nagpa-hair transplant?

Manila, Philippines – Sinamantala nga ba ni Gerald Anderson ang pamamahinga sa paggawa ng mga teleserye to make him look fresh again?

Ito kasi ang consensus ng mga netizens matapos mapansing bumalik daw ang freshness ng aktor as seen on his Instagram account.

Particularly, inlintrigang nagpa-hair transplant daw si Gerald kaya nagmukhang bata uli.

Sey naman ng isang netizen, iniba lang daw ng aktor ang ayos ng kanyang humaba nang buhok.

Hindi naman naniniwala ang isang netizen that Gerald would go as far as having undergone hair transplant.

“Naku, kung nagpa-hair transplant siya, eh, ‘di sana inuna na niya ‘yung unahan dahil napapanot na!” paliwanag ng netizen na ‘yon.

Nagkakaisa ang mga netizen sa pagsasabing malaki raw ang naitulong ng pagkakatengga ni

Gerald sa paggawa ng mga teleserye.

It has given daw kasi Gerald the chance to size himself up physically.

Dahil ngaragan nga naman daw pag merong ginagawang teleserye, it follows na mukhang ngarag din ang hitsura ni Gerald.

Masaya naman ang netizen who mistook Gerald’s hair transplant nang malamang close pa rin ang aktor kay Sam Milby na nakasama sa Japan recently.

Nabuo ang friendship ng dalawang aktor when they did a teleserye together before.

May advice din kayang ibinibigay si Sam kay Grald sa planong pagpapakasal nito sa nobyang si Julia Barretto? Ronnie Carrasco III