Manila, Philippines – Napansin ng mga katikatera at sawsawera na wala nang ipino-post tungkol sa kanyang banda ang singer-actress na si Gigi de Lana.
Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon na tumiwalag na siya sa kanyang grupo.
Hirit pa ng kibitzers, baka raw bet ng dating biritera ng Tawag ng Tanghalan na magsolo na.
Ilan sa mga komento ng netizens:
“Maybe she’ll actually try to start her solo career. I hope it’s not too late though since the attention she gets lately is due to issues about her and her band.”
“Kung like niya magsolo, eh magandang path na tahakin niya. Eh, sumali sa mga singing contests abroad.”
“Matagal na dapat siya nagsolo. Bibigyan na dapat siya ng break ng ABS noon, may potential din siya sa acting kaso mas pinili pa niya ‘yung banda niya. Ayun, binan siya sa ABS.”
Matatandaang naging leading lady si Gigi ni Gerald Anderson sa seryeng Hello, Heart.
Naging biktima rin siya ng fake news na kumalat na naging karelasyon umano niya si Gerald.
Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Gigi hinggil sa isyu.