Home NATIONWIDE Giit ni Panelo, mga pahayag ni Duterte ‘hyperbole, bluster’

Giit ni Panelo, mga pahayag ni Duterte ‘hyperbole, bluster’

176
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni dating chief presidential legal counsel Salvador Panelo nitong Martes, Pebrero 24 na hindi lahat ng pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa drug war ay totoo at marami sa mga ito ang “hyperbole” o exaggeration umano.

Si Panelo, isa sa anim na Filipino lawyers na ipinadala ng pamilya Duterte sa The Hague, Netherlands, ay nagbigay ng pahayag kasunod ng confirmation of charges hearing ng International Criminal Court (ICC) sa crimes against humanity case ni Duterte.

“Doon ako natatawa kasi ‘yung mga presentasyon na ‘yun ay parang ipinapakita nila na lahat ng mga sinabi ni [dating] presidente Duterte ay may bahid lahat ng katotohanan,” sinabi ni Panelo sa panayam ng DZBB.

“Gaya ng ipinaliwanag ng depensa, karamihan dito ay hyperbole at ito ang istilo ng [dating] pangulo Duterte,” dagdag pa niya.

Ani Panelo, ang matapang na pananalita ay bahagi ng speaking style ni Duterte at layong takutin ang mga kriminal at hindi dapat literal na tanggapin.

“Ganoon ang kanyang istilo—bluster, kung tinatawag. At ‘yun ay ginagamit niya lang upang takutin ‘yung mga kriminal,” dagdag nito.

“A man whose hyperbole, bluster, and rhetoric became a natural target for privately funded NGOs and human rights activists,” ganito rin ang naging pahayag ng lead counsel ni Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman.

Idinagdag pa ni Kaufman na natukoy ng defense team na ang iba sa mga speech ni Duterte ay iba sa mga tinukoy ng prosekusyon para suportahan ang alegasyon ng pagtatangkang pagpatay.

“Ang problema ho sa kanila at ‘yung mga hindi nakakaintindi sa istilo ng pananalita ni [dating] presidente Duterte eh literal nilang kinukuha ‘yung salitang ‘kill,’” segunda ni Panelo sa punto ni Kaufman.

“They are forgetting that what the former president wanted to convey to the criminals, those who want to commit crimes, ‘kill’ means that they would hunt them or pursue them to the ends of the Earth, prosecute them and put them behind bars. ‘Yun ang ibig niyang sabihin,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here