MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kahandaan ang Gilas Pilipinas laban sa Macau Black Bears sa July 28 bilang tune-up game bago sumabak sa FIBA Asia Cup.
Magiging huling laro ng Gilas ang laban kontra Macau bago lumipad papuntang Saudi Arabia.
Ayon sa ulat, ang Black Bears at binubuo ng mga local, half, at dayuhang manlalaro kaya magandang ensayo ito para sa Gilas.
Naniniwala ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na napaka-impotante ng tune-up game na ito para mas handa ang team.
Sanay na ang Black Bears sa ganitong laban, kung saan tinalo pa nila ang China noong nakaraan.
Kumpleto ang lineup ng Gilas, pero wala pa si Kai Sotto dahil nagpapagaling pa siya sa kanyang natamong injury.