MANILA, Philippines – Target ng Gilas Pilipinas na sumabak muna sa ilang friendly games sa bansa bago pumunta sa Jeddah, Saudi Arabia para sa FIBA Asia Cup 2025.
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone, nagpadala na sila ng imbitasyon sa ilang bansa at hinihintay na lamang nila ang kumpirmasyon ng mga ito.
Sisiklab ang FIBA Asia Cup sa Agosto 5 at inaasahan din na matatapos ang PBA sa Hulyo 27 kaya may panahon pa sila para sa friendly game.
“Napakaimportante ng friendly games bilang bahagi ng paghahanda kontra sa mga koponan na makakaharap nila sa FIBA Asia Cup,” ani Cone.
Kung matatandaan, sa nakaraang final window ng Asia Cup Qualifiers noong Pebrero, hindi nananalo at mayroong dalawang talo ang Gilas mula sa Taiwanese at New Zealand Tall Blacks.
Nitong nakaraang araw, inilabas ng FIBA ang opisyal na schedule para sa Asia Cup 2025.
Unang sasagupain ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei sa Agosto 6 ng alas-2 ng madaling araw.
Sunod makakalaban ng national team sa Group D ang world number 22 na New Zealand sa Agosto 7 ng alas-11 ng gabi oras sa Pilipinas.
Sa pangatlo at huling laban ng Gilas, makakaharap nila ang Iraq Agosto 9 ng alas-4 ng hapon.JC