Home METRO Lalaking nagreklamong walang pulutan, patay sa baril ng kainuman

Lalaking nagreklamong walang pulutan, patay sa baril ng kainuman

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki nang barilin ng kainuman matapos itong magreklamo na walang pulutan, sa Passi, Iloilo.

Ayon sa ulat, nangyari ang krimen sa kubo na pagmamay-ari mismo ng suspek sa Barangay Aglalana.

Batay sa imbestigasyon, nagalit umano ang suspek nang mangantiyaw ang biktima na wala silang pulutan at nagbasag pa ito ng baso.

Dito na pinagbabaril ng suspek ang biktima na nagtamo ng limang tama ng bala sa likod na agad nitong ikinasawi.

Arestado ang suspek na nahaharap sa reklamong homicide. RNT/JGC