Home SPORTS Gilas wagi vs Iran

Gilas wagi vs Iran

HANGZHOU, China – Naglahong parang bula ang 21 points third quarter lead ng Gilas ‘Pinas pero sinagip ni Justin Brownlee sa endgame, ineskapuhan ang Iran, 84-83, at nagmartsa sa 19th Asian Games men’s basketball semifinals Martes ng hapon sa Zhejiang University Zijingang Gymnasium dito.

Palutang na tirada niya buhat sa salaksak ang nag-ungos uli sa Nationals na naging final score na rin makaraang umahon ng Iranians sa 64-43 down, sa outside jumper ni Chris Newsome mula sa assist ni Scottie Thomspon, 4:26 ng third quarter.

Binaon ni Brownlee ang bitaw na nagpayanig sa PH bench na pinangungunahan nina coach Tim Cone, San Miguel Corporation sports director/team manager Alfrancis Chua at Philippine Basketball Association Commissioner/assistant team manager Willie Marcial.

Kayod ang PH naturalized player, Ginebra San Miguel import ng 36 points, 8 rebounds, 4 assists at 2 steals sa 36:39 job. Naka-18 markers, 8 boards at 4 feeds din si June Mar Fajarado at umiskor pa ng 11 si Thompson.

Makakasagupa ng Pinoy quintet sa Final 4 ang defending champion China, Miyerkoles (Oct. 4) ng alas-8:00 ng gabi sa Hangzhou Olympic Sports Centre Gymnasium.

Pinaglalabanan pa ang huling dalawang sila sa semis ng Jordan-Saudi Arabia at Japan-Chinese Taipei hanggang presstime Martes.

Wa epek sa mga Iranian ang may apat na nakadobleng pigura na giniyahan ni Mohammadsina Vahedi sa lagareng 24 pts.

Huling nagmedalya ang PH 5 sa quadrennial sports conclave noong 1998 sa Bangkok, samantalang ang huling gintong medalya pa ay sa 1962 Jakarta Asiad – pang-apat na sunod mula noong 191 sa Delhi.JC

Previous articleUtol pinagsasaksak ng kuya!
Next articleLotto Draw Result as of | October 3, 2023