Home ENTERTAINMENT Gillian, thankful kay Bea at Mam Charo, handa na sa 2024!

Gillian, thankful kay Bea at Mam Charo, handa na sa 2024!

Manila, Philippines – Natupad ang pangarap ni Gillian Vicencio nang siya ay napabilang sa pelikulang “Eerie” na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Charo Santos Concio.

Si Gillian ang gumanap bilang si Erika Sayco, ang batang nagmumulto sa eskwelehan kung saan umikot ang kwento ng pelikula.

Kwento ni Gillian, “Nu’ng time na ginagawa po ito talagang hindi ako isinasama sa mga promos, guestings at kung ano ano para raw hindi mawala yung element of takot sa pelikula.” Mula rito ay nagkasunod-sunod na ang pagpasok ng mga projects at hindi na mapigilan ang pagbulusok ng kanyang pangalan.

Malaki rin ang pasasalamat ni Gillian kina Bea at Mam Charo na nasakama siya sa movie.

Makasama mo ba naman sa unang project ang movie queen na si Bea at ang ABS-CBN executive na si Mam Charo, iba talaga.

Agad din naman itong nasundan ng another horror film na Hell Come Home kasama sina Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Raymond Bagatsing at Beauty Gonzalez.

Kabilang si Gillian sa Star Magic Batch 2019 na inilunsad kasabay sina Belle Mariano, Anthony Jennings, Jeremiah Lisbo, JC Alcantara at Kyle Echarri.

Kalaunan ay pinasok din siya bilang isa sa mga orihinal na artistang inalagaan ng Rise Artists Studio sa pangangalaga ni Mico Del Rosario under Star Creatives.

Noong taong 2020, tila nagbago ang ihip ng hangin dahil sa mga challenges na dumating sa kumpanya.

Nandiyan ang pandemic at ang malaking dagok sa Kapamilya Network tungkol sa prangkisa.

Kwento ni Gillian “Siyempre po natakot ako, kami kasi kakapirma lang namin ng contract tapos ganu’n yung nangyari that time pero binigyan naman kami ng assurance ng management na hindi nila kami pababayaan. “Nandiyan yung mga digital shows namin everyday kung saan nahasa din kami sa hosting at naipapakilala naming ang sarili namin sa ibang mga artist.”

Dagdag pa nito, “Tuloy tuloy din nu’ng time na yun ang mga workshops online para hindi kami matengga at mangalawanag.

“Actually kung iisipin nga, malaking tulong ‘yun para sa mga gingawa namin ngayon kasi parang equipped kami sa acting experience sa mga present project na meron ngayon.”

Biggest beeak niyang maituturing ang Four Sisters Before The Wedding kung saan nakasama niya sin Alexa Ilacad, Charlie Dizon at Belle Mariano. Siya ay gumanap bilang si Alex na naunang ginampanan ni Angel Locsin.

Sa kabila ng pandemya ay itinuloy pa rin ang screening ng nasabing prequel ng pelikula at ipinalabas ito via Online Cinema.

Nagkasunod-sunod ang kanyang projects na inabangan at sinubaybayan din ng mga fans.

Mas minahal at mas nakilala si Gillian sa seryena 2 Good to Be True kung saan gumanap naman siyang boyosh friend as Tox with Matt Evans, and Yves Flores .

Dito mas nabigyang pansin siya dahil sa kakaibang pagganap ang kanyang ginawa lalo pa’t nakitaan ng kilig ang tambalan nila ni Yves.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na naging very challenging din ang pagtatapos ng 2023 kay Gillian.

Pangalawang buwan pa nga lang ng taong 2024 ay blessed na ang actress dahil sa mga projects na kanyang natatanggap mula pa noong unang buwan ng taong ito.

Nandiyan ang matagumpay niyang pagganap sa theater play na “Kumprontasyon” na nagkaroon ng theatrical run sa PETA Theater.

Ni-welcome din siya bilang isa sa mga Beautederm Babies ng CEO and founder ng isa sa pinakasikat na brand pagdating sa pagpapaganda na si Rhea Tan.

Ilalagay din daw ng CEO sa billboard ang mga pictures ni Gillian na kinunan sa ginanap na campaign shoot kamakailan.

Kabilang din siya sa mga ipinakilala na makakasama sa newest Filipino adaptation ng What’s Wrong with Secretary Kim na pagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino under Dreamscape at VIU.

Congratulations. JP Ignacio