Home NATIONWIDE PBBM nakakuha ng 80% performance rating; VP Duterte, 78% – sarbey

PBBM nakakuha ng 80% performance rating; VP Duterte, 78% – sarbey

MANILA, Philippines- Nakakuha si Pangulong Marcos ng performance score na 80 porsyento, habang nakatanggap naman si Vice President Sara Duterte ng 78 porsyentong performance rating sa RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) “Boses ng Bayan” 2023 survey.

Sa pahayag nitong Linggo, tinalakay ni Global Affairs Analyst and RPMD Executive Director Dr. Paul Martinez ang “nuanced regional responses” sa liderato ng dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Batay sa survey results, bagama’t nakatanggap si Marcos ng 80 porsyentong performance rating para sa taong 2023, lumalabas sa regional responses ang “varied perceptions” mula nang makakuha siya ng 84.70 porsyento mula sa Balance Luzon, 79.02 porsyento mula sa Visayas region, 75.98 porsyento mula sa Mindanao, 71.72 porsyento lamang mula sa National Capital Region (NCR).

Subalit, ikinagalak ng Pangulo ang “robust trust rating of 83 percent, reflecting solid confidence in his leadership across the nation.”

Makikita rin sa 78 porsyentong rating ni Duterte para sa taong 2023 ang iba’t ibang tugon mula sa mga rehiyon, na may 82.86 porsyento mula sa Mindanao, sinundan ng 78 porsyento at 76.77 porsyento mula sa Balance Luzon and Visayas. Tulad ni Marcos, natanggap niya ang pinakamababang iskor mula sa NCR na 70.42 porsyento lamang.

“These ratings, coupled with a trust score of 80 percent, underscore the diverse regional assessments of her performance,” ayon sa pahayag.

Nakakuha naman sina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng 75 porsyento at 77 porsyentong satisfaction rating.

Gayundin, nakatanggap ang Senate President ng 78 porsyentong trust rating, habang ang Speaker ay mayroong 79 porsyentong trust rating.

Isinagawa mula Dec. 27, 2023 hanggang Jan. 5, 2024, nakilahok sa survey ang 10,000 adult respondents mula sa iba’t ibang lungsod at rehiyon, na sumasalamin sa demographic proportional sa official voter population.

 Mayroon itong margin of error na +/-1% at 95 porsyentong confidence level. RNT/SA