NANAIG ang San Miguel Beermen laban sa Barangay Ginebra, 83-81, sa kanilang laban sa PBA Season 50 Philippine Cup sa Coca-Cola Arena sa Dubai.
Bida si Kris Rosales na nagpanatili ng abante ng Beermen matapos magtala ng mga kritikal na puntos sa huling bahagi ng laro.
Gayunman, kinabahan pa ang SMB nang maagaw ni Troy Rosario ang bola sa huling 3.7 segundo, pero nagmintis ni Scottie Thompson sa potensyal na panalong tira.
Tumapos si June Mar Fajardo na may 17 puntos, 16 rebounds, at apat na blocks para sa pangalawang sunod na panalo ng Beermen matapos ang 0-2 simula sa torneo.
Nag-ambag din sina JM Calma ng 10 puntos at siyam na rebounds, habang tig-10 puntos naman sina CJ Perez at Juami Tiongson.
Samantala, bumagsak sa 1-3 ang Ginebra sa panibagong pagkatalo nito.
Si Japeth Aguilar ay nagtala ng 20 puntos at 12 rebounds, habang may 17 puntos si RJ Abarrientos at 15 puntos si Thompson.
Sa ibang laro, tinalo ng NLEX ang Meralco, 89-85, sa Ynares Center sa Antipolo upang makisalo sa liderato ng liga na may 3-1 kartada. GP