MANILA, Philippines- Arestado ang isang ginang ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y online sexual exploitation ng kanyang dalawang menor-de-edad na anak.
Sinabi ng NBI na ang ina ng mga biktima ay inaresto ng mga operatiba ng NBI-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) nang silbihan ng warrant to search ,seize and examine computer data (WSSRCD) sa kanyang bahay sa Mabalacat, Pampanga noong May 15.
Ayon sa NBI, nagsagawa ang ng onsite live preview ng isa sa smartphones na nasamsam at natuklasan ang ilang CSAEMs (Child Sexual Abuse or Exploitation Materials) na nilalaman nito.
Matapos maaresto, kinasuhan sa Mabalacat City Prosecutor’s Office sa paglabag ng Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials Act.
Ayon pa sa NBI, ang operasyon ay isinagawa matapos makatanggap ng referral ang NBI-HTRAD mula sa Royal Thai Police, na pinangasiwaan ng NCC-OSAEC-CSAEM (National Coordination Center laban sa Online Sexual Abuse o Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials) at ipinasa sa pamamagitan ng Philippine Internet Crimes Against Children Center). Jocelyn Tabangcura-Domenden