Home METRO Ginang arestado sa P110K droga sa Caloocan

Ginang arestado sa P110K droga sa Caloocan

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang isang vendor na ginang matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng droga sa Caloocan City.

Sa report na tinanggap ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa Capt. Rico St., Brgy. 174, Camarin nang maispatan nila ang isang babae at isang lalaki na nag-uusap dakong alas-8 ng gabi.

Kalaunan, nakita ng mga pulis na may iniabot ang lalaki sa kausap na babae na isang plastic sachet ng hinihinalang shabu subalit, nang mapansin ng dalawa ang kanilang presensya ay nagtakbuhan ang mga ito para tumakas.

Hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner ang suspek na si alyas “Pacing”, 43, at nakuha sa kanya ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng nasa 16.3 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P110,840 habang nakatakas naman ang nag-abot sa kanya ng droga.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agents of such Person) of the RPC at Section 11 Art II of RA 9165. Rene Manahan