Home NATIONWIDE P8B badyet sa medical aid ng indigents, health emergency allowance aprub sa...

P8B badyet sa medical aid ng indigents, health emergency allowance aprub sa DBM

MANILA, Philippines – INAPRUBAHAN ng Department of Management (DBM) ang pagpapalabas ng P8.005 billion para i-cover ang cash requirements ng Department of Health (DOH) para sa implementasyon ng mga mahahalagang health programs nito, kabilang na ang medical assistance sa indigents at health emergency allowance ng health at non-health workers.

Sinabi ng departamento na ang nasabing halaga ay gagamitin para sa probisyon ng Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapaciated Patients (MAIP) na may alokasyon na P2.439 billion, at para sa Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA) for Healthcare and Non-Healthcare workers na may alokasyon na P5.566 billion.

Inaprubahan ni Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng Notice of Cash Allocation (NCA) para rito noong May 3.

“As we have committed, we will continue to support programs that seek to uphold the welfare of our kababayans,” ayon sa Kalihim.

“The directive of President Bongbong Marcos has been very clear since day one — priority shall be given to healthcare. At kasama po diyan ang pagkalinga sa mga pasyente at mga manggagawa sa healthcare sector,” dagdag na pahayag nito.

Ang MAIP ay ginagamit para sa hospitalization at medical support ng indigent at financially incapacitated patients kabilang na subalit hindi limitado sa “in-patient, out-patient, comprehensive check-ups, at emergency services, at maging sa mga drugs, medicines, at professional fees” bukod sa iba pa.

Samantala, saklaw naman ng PHEBA ang lahat ng benepisyo ng mga healthcare workers kabilang na ang Health Emergency Allowance (HEA)/One Covid-19 Allowance (OCA), Special Risk Allowance (SRA), Covid-19 Sickness and Death Compensation, at iba pang benepisyo gaya ng “meal, accommodation, at transportation allowance.” Kris Jose