Home METRO Ginang na tulak, huli sa buy-bust ops sa Navotas

Ginang na tulak, huli sa buy-bust ops sa Navotas

80
0

MANILA, Philippines – Isinelda ang isang 56-anyos na ginang na tulak umano ng illegal na droga matapos itong masakote  sa naganap na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

Batay sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni  NPD Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela ang pagkakaaresto sa suspek ay nag ugat makaraang makatanggap ng impormasyon ang kanilang tanggapan  hinggil sa iligal na aktibidades nito.

Kasunod nito, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas CPS ang buy bust operation laban sa suspek sa koordinasyon sa PDEA.

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga operatiba ng SDEU makaraang bintahan umano ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska sa kanya ang humigi’t kumulang 2.18 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P14,824 at buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Custodial Facility Unit ng Navotas CPS at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here