Home METRO Ginang patay habang tumatawid

Ginang patay habang tumatawid

MANILA, Philippines – Isang 56-anyos na ginang ang namatay makaraang masagasaan ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng Sta Rosa-Tagaytay Rd sa Brgy. Tartaria, Silang, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si Angelita Bayucan Gano, nasa hustong gulang at residente ng Brgy Tartaria, sa nasabing lugar.

Mabilis namang naisugod sa Qualimed Hospital ang biktima subalit namatay ito habang ginagamot.

Ginagamot din sa Tagaytay Medical Center ang biktima na si alyas “Ronald,” driver ng motor na nakabangga sa ginang na nakatira.

Batay sa ulat ni Cpl Minervin Castillo ng Silang MPS, tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Sta. Rosa-Tagaytay Road dakong alas- 11:15 ng umaga nang nabangga siya ng paparating na minamanehong motorisklo ni alyas “Ronald” na binabagtas ang nasabing lugar.

Dahil sa insidente, tumilapon ang biktima ng ilang metro habang nalaglag naman mula sa kanyang motorsiklo ang drayber.

Kapwa nadala naman sa magkakahiwalay na pagamutan ang biktima at ang driver ng motor subalit namatay kalaunan ang ginang na nasagasaan. Margie Bautista

Previous articleMagnolia, Abueva babawi sa Game 3
Next articleBeal nagpaulan ng 43 sa panalo ng Phoenix vs Suns