Home METRO Ginang patay sa bangga ng tuk-tuk

Ginang patay sa bangga ng tuk-tuk

MANILA, Philippines – Patay ang 60-anyos na ginang habang sugatan ang 37-anyos na welder nang mabangga ng three-wheel motorbike o tuk-tuk nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 31 sa Barangay Hagakhakin, Gumaca, Quezon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Elsa.

Ayon kay Police Major Marnie Abellanida, Gumaca police chief, naglalakad si Elsa sa gilid ng kalsada nang makatulog ang drayber ng tuk-tuk na si Andres, 42, at mawalan ng kontrol sa minamaneho.

Binangga ng tuk-tuk si Elsa at ang delivery boy na si Alvin.

Idineklarang patay sa Gumaca District Hospital ang biktima habang dinal naman si Alvin sa kaparehong ospital at nagpapagaling pa.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury, and damage to property ang drayber. RNT/JGC