Home METRO Lalaking natalo sa sugal nagpaputok ng shotgun, menor de edad sugatan

Lalaking natalo sa sugal nagpaputok ng shotgun, menor de edad sugatan

MANILA, Philippines – Isang batang lalaki ang sugatan makaraang tamaan ng ligaw ng bala ng shotgun matapos magpaputok ang isang lalaki na natalo sa sugal sa Naic, Cavite.

Sinamapahan na ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms ang Ammunition Regulation Act), RA 11926 (Wilful and Indiscriminate Discharge of Firearms), resulting to Physical Injury ang suspek na si alyas Alberto ng Brgy Mailanen Bago, Naic, Cavite.

Ayon sa report, bandang alas-3:30 ng hapon, nang naglaro ng sugal ang suspek kasama ang ilang kapitbahay sa Brgy Balai White House ng nasabing bayan.

Dito umuwi sa kanilang bahay ang suspek. Dahil sa sama ng loob ay naglasing ito hanggang sa naisipang lumabas bitbit ang isang shotgun at hinanap ang taong tumalo sa kanya sa sugal.

Nang hindi mahanap ang kalaban sa sugal, pinaputok ang hawak na shotgun sa isang pader kung saan isang bata ang tinamaan ng talsik ng bala na noon ay naglalaro sa lugar.

Mabilis namang naaresto ang suspek at narekober ang shotgun at bala habang ang bata ay isinugod sa ospital na kasalukuyang nilalapatan ng lunas dahil sa tinamong sugat. Margie Bautista