Home METRO 2025 elections, itinuring ng Comelec na ‘Super Election’

2025 elections, itinuring ng Comelec na ‘Super Election’

MANILA, Philippines – Itinuturing ng Commission on Elections (Comelec) na ‘Super Election’ ang 2025 dahil sa tatlong halalan na magaganap sa loob ng isang taon.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ito ay dahil sa National and Local elections, Bangsamoro Election at ang Barangay Elections.

Ginawa ni Garcia ang pahayag kasabay ng Multi Party Democracy Summit ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minadanao (BARMM).

Sa kasaysayan ng Pilipinas, sinabi ni Garcia na kauna-unahan itong mangyayari na magkaroon ng tatlong halalan sa isang taon.

Puspusan naman ang paghahanda ng Comelec upang masiguro na magiging maayos, mapayapa at kapani-paniwala ang halalan.

Tiniyak din ng Comelec, na magiging maayos ang pagsasagawa ng eleksyon kahit pa gagawin ang tatlong halalan sa taong 2025.

Siniguro din ni Garcia na walang magaganap na anumang dayaan sa halalan dahil kontrolado nila ang gagamiting teknolohiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden