Home NATIONWIDE Quiapo nagpaskil ng ‘No to Divorce’ tarpaulin sa labas ng simbahan

Quiapo nagpaskil ng ‘No to Divorce’ tarpaulin sa labas ng simbahan

MANILA, Philippines – Bilang pagtutol sa Divorce Bill, ang Simbahan ng Quiapo ay nagpaskil ng tarpaulin sa labas ng Minor Basilica Minor para igiit na hindi dapat pinaghihiwalay ang pinagsama ng Diyos.

Ang panukalang diborsyo ay inaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa noong nakaraang sesyon ng Kamara.

Ilang mga senador na rin ang nagpahayag ng kanilang paninindigan habang mainit itong pinagdedebatehan sa Senado.

Inaasahan ding magiging mainit ang talakayan sa nasabing panukala sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso kaya naman mahigpit na itong tinututulan ng Simbahan.

“In essence, divorse is anti-familty, anti-marriage and anti-children,” ayon sa naunang pahayag ng Catholic Bishops Conferenece of the Philippines (CBCP).

Ang kasalukuyang bersyon ng Senado sa panukalang diborsyo na inihain nina Senator Risa Hontiveros, Raffy Tulfo, Robin Padilla, Pia Cayatenao at Imee Marcos ay naaprubahan na sa committee level noong nakaraang taon.

Una na ring iginiit ni EDSA Shrine Rector Fr. Jerome Secillano na kapag naging batas na ang diborsyo, ilalapat na lamang ito sa civil marriage at hindi isa sa mga ritwal na ginagawa ng Simbahang Katoliko. Jocelyn Tabangcura-Domenden