Home METRO Lalaking nanghuhuli ng pang-ulam, nalunod sa Manila Bay

Lalaking nanghuhuli ng pang-ulam, nalunod sa Manila Bay

MANILA, Philippines – Isang 44-anyos na lalaki ang umano’y nangisda ng maiuulam ang nalunod makaraang sumpungin ng pulikat ang paa nito habang nangingisda sa Manila Bay sakop ng Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat, kinilala ang biktima na si alyas Ronald, reaidente ng Manuel Talon Singko, Las Pinas City subalit idineklarang dead on arrival sa Las PiƱas General Hospital.

Batay sa salaysay bandang alas-10:30 ng umaga nang dumating ang nakakatandang kapatid na si Alyas Brendo, nagtungo ang magkapatid sa dagat sa Manila Bay upang mangisda.

Sumisid sa ilalim ng tubig ang magkapatid kung saan nakasunod ang biktima. Habang nangingisda, dito na simunpong ng pulikat ang biktima hanggang sa nalunod ito.

Mabilis namang naiahon ang biktima sa tubig at nagsagawa ng first aid subalit hindi tumutugon ang katawan nito dahilan upang isugod sa ospital subalit patay na ito nang idating sa pagamutan. Margie Bautista