Home ENTERTAINMENT Kuya Wil, mainipin sa TV show!

Kuya Wil, mainipin sa TV show!

Manila, Philippines- Not all people possess the virtue of patience.

Kadalasan, ang kawalan nito o pagiging mainipin sa halos ng lahat ng bagay ang dahilan why they often stumble upon life pitfalls.

Ito rin ang maaaring ilarawan kay Willie Revillame.

Dahil sa kakapusan o sadyang kawalan ng pasensya kung bakit hindi natuluy-tuloy ang dapat sana’y pagbabalik niya sa telebisyon.

Matatandaang maayos namang nagpaalam ang TV host sa GMA in favor ng bubuksang AlITV na pag-aari ni dating Senador Manny Villar.

ALLTV had so many great plans then pero sadly, hindi nag-materialize ang mga ‘yon.

But if there was one undertaking that the fledgling network saw through, ‘yun ang Wowowin ni Willie.

Umabot sa puntong a studio housed at Starmall on EDSA in Mandaluyong City had to be built para lang sa programa.

Ang problema, impatience got the better of Willie.

In no time did he dissociate himself from AlITV.

Sumunod na nakipagnegosasyon siya sa PTV4 at IBC13.

Given na ang proseso ay bibilang ng panahon.

Nainip na naman si Willie, scrapping his deal with the state-owned TV stations.

At nito na lang nagkaroon ng linaw ang tiyak na niyang pagbabalik, this time sa dati niyang tahanan: ang TV5.

Balitang magpa-pilot na ang kanyang daily show sa July.

Kinallangan ding iatras ni Willie ang pangako niyang pumalaot sa pulitika in favor of his TV return.

Sa mga buwan nga raw na nakatengga ang TV host, wala itong choice kundi ibenta ang ilan sa kanyang mga ari-arian to get by.

Eh, ikaw na ang lumagay sa sitwasyon ni Willie na puro palabas ang pera at walang pumapasok! Ronnie Carrasco III