Home ENTERTAINMENT Atty Topacio at Baby Go, may collab!

Atty Topacio at Baby Go, may collab!

Manila, Philippines- Galing sa isang pre-trial hearing kasama ang celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio at ang BG films International producer na si Baby Go na nag-lunch sa isang resto nang napagkwentuhan ang kanilang collab para sa isang pelikula, ang One Dinner a Week.

FYI, si Atty Topacio ay nagpo-produce din ng pelikula via his Borracho Films na meron ding sariling stable of talents.

Ang pelikulang Mamasapano, Now It Can Be Told ang isa sa mva notable movies ng Borracho Films.

Ang pelikulang One Dinner a Week ay sinusulat ni Abdel Langit.

“I’m excited about yung One Dinner a Week because it’s a very good story. It’s the story of a rich person who is emotionally stunted dahil at the early age, he was made to run the family business dahil namatay yung parents niya.

“And then he could not relate. And then it got to a point where he had to pay someone just to have one dinner a week with him.

“Gusto na niyang malaman kung ano ang pakiramdam ng nakaka-relate with another person. And then it goes on.

“Maganda yung story, may surprise twist sa ending kung bakit pumunta sa point na kailangan pa niyang magbayad para meron siyang one dinner a week.

“Ang napipisil pa lang namin, ang iniisip namin dito, the lead is Paolo Gumabao. He also stars in Mamasapano.

“Mabait na bata si Paolo. He’s very nice and he’s a very good actor, nakita namin ang intensity niya.

“Intense siya, e. At saka ano, magaling makisama. And then, ang iniisip naming female lead, si Kylie Verzosa.

“And of course, that will be the launching of Heartney Martinez as one of the supporting actresses,” sabi ni Atty. Topacio.

Si Heartney ay finalist sa isang beauty lageant sa Baguio City.

Game naman si Madam Baby na first time na makikipag-co produce sa Borracho Films.

“Marami na rin naman akong nagawang movie at halos lahat ay internationally acclaimed.

“This time susubukan ko naman ang makipag-co produce.

“Mabait naman si Atty. Topacio at maayos kausap. Maganda rin ang script ng One Donner A Werk kaya hindi ako nagdalawang-isip na mag-yes sa collab ng BG Films at ng Borracho Films,” sabi naman ni Go.

Anyway, si Atty. Topacio at ang kanyang legal team ang lawyer ni Madam Baby sa kanyang kasong Cyberlibel laban sa aktor at modelong si Marc Cubales. JP Ignacio