Home METRO Ginang pinagtataga, pinugutan ng ulo ng bayaw sa away-lupa

Ginang pinagtataga, pinugutan ng ulo ng bayaw sa away-lupa

CAMARINES SUR – Pinagtataga at pinugutan pa ng ulo ang isang 54-anyos na ginang ng kanyang sariling bayaw sa bayan ng Goa.

Sa imbestigasyon, iniulat ni Police Major Rodolfo Borromeo, hepe ng Goa Municipal Police Station, sumuko ang 44-anyos na suspek matapos gawin ang karumal-dumal na krimen.

Napag-alaman pa ng pulisya na inihagis pa ng suspek ang ulo ng biktima ilang metro mula sa katawan nito.

Napag-alaman namang away sa lupa ang ugat ng labis na galit ng suspek sa biktima.

Depensa ng suspek na nanlaban lang siya matapos na lapitan ng suspek na umano’y may hawak na itak at nagawa ang krimen bunsod ng labis na galit.

Sinabi pa ng suspek, na gusto umano ng biktima na kamkamin ang lupa ng kanilang ama na dapat ay paghahatian nilang 11 magkakapatid.

Nakatakdang magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa suspek. Santi Celario

Previous articleAussie senator pinadedeklarang persona non grata sa Pinas
Next articlePaghahanap sa dambuhalang sawa sa Pangasinan itinigil muna