Home METRO Paghahanap sa dambuhalang sawa sa Pangasinan itinigil muna

Paghahanap sa dambuhalang sawa sa Pangasinan itinigil muna

MANILA, Philippines – Dahil pahirapan sa paghahanap, itinigil muna ang paghahanap ng dambuhalang sawa sa Barangay Bued sa Calasiao, Pangasinan.

Ayon kay chairman Allan Roy Macanlalay na sinabi umano ng mga ekspero na baka nakalayo na ang sawa o hindi naman kaya ay nakakain na ito kaya matagal pa umano ito bago lumabas ulit.

Sa kabila nito, tiniyak pa rin niya ang kaligtasan ng mga residente sa kanilang lugar kahit hindi pa nahahanap ang pinaniniwalaang Burmese python na tinatayang aabot sa 25 talampakan ang haba.

Patuloy naman ang pangamba ng mga residente at mas nais nilang ipagpatuloy ang paghahanap sa sawa.

Samantala, mensahe naman ni Macanlalay sa mga content creator at vlogger na nagbabalak magpunta sa kanilang barangay na magpaalam muna sa kanilang tanggapan. Santi Celario

Previous articleGinang pinagtataga, pinugutan ng ulo ng bayaw sa away-lupa
Next articleDFA sa Tsina: Paghaharas sa Pinas, itigil!