Home METRO Ginang sinaksak sa pagrereklamo sa maingay na kapitbahay

Ginang sinaksak sa pagrereklamo sa maingay na kapitbahay

98
0

MANILA, Philippines – Nagtamo ng saksak sa katawan ang isang 47-anyos na babae mula sa kapitbahay nitong lalaki na sinita lamang dahil sa maingay na videoke sa Laoag City, Ilocos Norte nitong Huwebes ng madaling araw, Oktubre 10.

Ayon sa imbestigasyon, ala-1 ng madaling araw nang pumunta ang biktima sa bahay ng kanyang kapitbahay para pakiusapan na hinaan ang pagpapatugtog ng videoke dahil hindi makatulog ang kanyang pamilya maging ang iba pang kapitbahay.

Sa halip na manahimik, umalis ang suspek at pagbalik ay may dala na itong patalim saka pinagsasaksak ang biktima.

Inawat naman ito ng mga kasamahan.

Agad na dinala sa ospital ang biktima na ngayon ay nagpapagaling pa.

Patuloy naming tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na tumakas matapos ang insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here