MANILA, Philippines – Patay ang isang ginang matapos masagasaan ng trailer truck sa San Marcelino Street, Paco, Maynila, iniulat ng Manila Police District (MPD).
Sa imbestigasyon ng MPD Paco Police Community Precinct-Station 5 tinatayang nasa 45 hanggang 50 taong gulang ang hindi pa nakilalang ginang na nakasuot ng pulang t-shirt at white short pants.
Nangyari ang insidente nitong Linggo ng hapon habang nakahinto ang truck sa nasabing lugar.
Nang umandar ang truck tiyempo namang patawid na ang biktima kaya nabangga ito ay naipit sa unang bahagi ng gulong ng trailer dahilan para makaladkad pa ito ng ilang metro.
Kinilala ng pulisya ang driver ng truck na si Rey Lebato,34 na kusang sumuko at nahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)