Home NATIONWIDE Kelot biglang bumunot ng baril, tigok sa mga parak

Kelot biglang bumunot ng baril, tigok sa mga parak

MANILA, Philippines – Patay ang isang suspek matapos makipagbarilan sa mga pulis sa bayan ng Taytay ng Rizal.

Base sa ulat na habang nagpapatrolya ang mga parak at tanod sa Barangay Sta. Ana nang makita nila ang suspek na may bitbit na baril.

“Nung time na sinita siya, bigla siyang bumunot ng baril. Nung nakita na niya ang pulis, bigla siyang nagpaputok na kasi alam niyang marami. Marami kaming nagro-roving,” ani Barangay Sta. Ana team leader Romel Cañolas.

“More or less four shots ang pinutok niya sa ating mga pulis at barangay safety public officers. Then from there, nag-return fire ang ating mga pulis. And yun nga, natamaan itong suspect,” dagdag pa ni Rizal Provincial Office Director Police Colonel Felipe Maraggun.

Narekober ng mga awtoridad ang apat na basyo ng bala sa kalibre .45 na baril na ginamit ng suspek.

Dinala siya sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Batay sa imbestigasyon, dati nang nakakulong ang suspek dahil sa pagbebenta ng iligal na droga at pagkakaroon ng mga iligal na baril. Pinalaya siya noong Abril. RNT