Umusad na sa finals ng PBA Governors’ Cup ang TNT Tropang Giga nang tambakan ang Rain or Shine, 113-95.
Inilampaso ng TNT ang Elasto Painters para makuha ang 4-1 na kartada sa kanilang best-of-seven semifinals series sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Lungsod na Alaminos.
Nanguna sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na kumamada ng 36 points, 11 rebounds, siyam na assists at anim na steals.
Hindi pinaporma ng TnT ang Elasto Painters mua sa simula ng laban hanggang sa huli upang makuha ang panalo.
Naghihintay na lamang ang TNT sa sinumang mananalo sa pagitan ng Beermen at Barangay Ginebra kung saan hawak ng Ginebra ang kalamangan 3-2.