LEBANON – Sapul na naman sa panibagong strike ng Israel ang southern suburbs ng Beirut, Lebanon nitong Sabado, Oktubre 19.
Ito ay kasunod ng pagpapakawala ng Lebanese armed group na Hezbollah ng salbo ng mga rocket patungong northern Israel, kasabay ang isa pang drone na target naman ang Bahay ni Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Nitong Sabado ng hapon, nagpakawala ng matitinding strike ang Israel sa ilang lokasyon sa southern suburbs ng Beirut kung saan binalot ng makapal na usok ang himpapawid ng lungsod.
Agad naman na nagpalabas ng evacuation orders para sa apat na magkakahiwalay na lugar sa suburbs.
Matatandaan na libo-libong residente na rin ang lumikas sa southern suburbs ng Lebanon na target ng Israel sa mga pag-atake mula pa noong nakaraang tatlong linggo.
Sa air strike ng Israel noong Setyembre 27 ay napatay ang secretary general ng Hezbollah na si Hassan Nasrallah, kasunod ang iba pang top figures ng grupo. RNT/JGC