Home OPINION GIRIANG MULI NG MAKATI AT TAGUIG

GIRIANG MULI NG MAKATI AT TAGUIG

MAY panibago na namang girian ang magkaaway na magkapitbahay na Makati at Taguig kung saan may kani-kanyang akusasyon kaugnay ng pangangasiwa at pag-okupa sa napakatagal nang Makati Park and Garden.

Pero teka lang, walang karapatan ang Makati na akusahan ang Taguig ng land grabbing. Tinuldukan na ng Korte Suprema ang debate nang magdesisyon itong iligal ang pag-okupa ng Makati City sa 10 EMBO barangay sa nakalipas na 30 taon.

Ibig sabihin, ang alegasyon ng Makati na nagtangkang mangamkam ng lupa ang Taguig ay walang kredibilidad. Pinili na lang marahil ni Mayor Abby Binay na dedmahin ang sariling kasaysayan ng iligal na pag-okupa ng lupain at pang-aabuso ng Makati.

Hindi na nakagugulat na sinamantala ito ni Mayor Lani Cayetano para igiit kung paanong ipinasara ni Binay ang health centers at ipinagkait ang mahahalagang serbisyo para sa mga residente ng EMBO.

Ikinatwiran na rin niya na ang parke ay dapat na pinakikinabangan ng publiko at hindi gamitin sa galawang politikal ng Makati, na lumalabas na paraan ng paghihiganti na nakasasama.

Panahon na sigurong sumuko si Mayor Binay, payapang akuin ang kanyang pagkatalo, at tigilan na ang pakikialam sa pamamahala ng Taguig.

Kung sa huli ay magkulang o pumalpak si Mayor Lani at ang pamahalaang lungsod sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga taga-EMBO, hayaan na niyang ang pagbatikos ay gawin ng mamamayan ng Taguig — hindi ang makapangyarihang kamay ng mga Binay.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

 

 

 

 

Previous articlePHILHEALTH COVERAGE PARA SA BREAST CANCER, ITINAAS SA PHP1.4M
Next articleMALABON BEST HOUSING PRACTICES HAILED IN 2 AUSTRALIAN SUMMITS