Home ENTERTAINMENT Gloria, binigyan ng tribute, nasorpresa!

Gloria, binigyan ng tribute, nasorpresa!

Manila, Philippines – Matagumpay na naidaos ang A Tribute to the Queen in honor of Gloria Romero.

Ginanap ito sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Sa ilalim ng direksyon ni Johnny Manahan, nagsilbing hist si Butch Francisco.

Ang nasabing affair ay inorganisa ng best friend ng 90-year old actress at kapanabayan noon sa Sampaguita Pictures na si Daisy Romualdez.

Ani Butch sa manyang column sa Pica-pica, tatlong linggo ang inilaan to mount the production.

Walang kamalay-malay si Gloria na bibigyan siya ng tribute.

Kinailangang “lansiin” pa siya ng kanyang nag-iisang anak na si Maritess on the pretext na magdi-dinner lang sila with friends.

Ang batikang fashion designer na si Renee Salud ang nag-rush ng kanyang kasuotan.

Memorable para kay Gloria ang Manila Hotel.

‘Yun kasi ang venue kung saan tinanggap niya ang kanyang kauna-unahang Best Actress award para sa pelikulang Dalagang Ilokana noong 1954.

Aminado ang production staff na nahirapan kung paano pasisiputin doon si Gloria.

Kilala kasi nila ito na hindi mahilig makipagsosyalan, let alone maging sentro ng atensyon.

Mas gusto raw niyang pumirmi sa bahay at manood ng TV.

Nagkaroon pa raw ng slight problem sa bahay ni Gloria bandang hapon.

Bumaba raw kasi ang protein level nito kung kaya’t kahit on diet ay kinailangan siyang pakainin ni Maritess ng dalawang itlog para lumakas.

Dalawang oras din ang itinagal ng programa, kung saan dinaluhan ‘yon ng mga nakasamang kapwa artista ni Gloria.

Pero ang nagbigay raw ng kakaibang kasiyahan sa beteranang aktres ay ang dance number ng kanyang apong si Chris.

Kinabukasan ay nagkausap sila ni Butch sa telepono.

Wala nga raw pagsidlan ang tuwa ni Gloria maliban sa napagod daw siya ng gabing ‘yon.

To describe her tired feeling, pakiramdam daw niya’y nagkaroon siya ng boxing match kay Manny Pacquiao.

Hindi na nakuhang mag-dinner doon ni Gloria dahil alam niyang nakatutok sa kanya ang mga mata ng tao sa affair.

Sa halip, Gloria opted to have a take-home order of fried chicken. Ronnie Carrasco III

Previous articleBarko ng Pinas, Tsina nagbanggaan!
Next articlePangha-harass sa Pinas pinabulaanan ng Tsina