Home HOME BANNER STORY Barko ng Pinas, Tsina nagbanggaan!

Barko ng Pinas, Tsina nagbanggaan!

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Martes na ang BRP Sindangan ay bumangga sa isang barko ng China coast guard (CCG) sa isang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“Throughout the operation, the PCG vessels faced dangerous maneuvers and blocking from Chinese Coast Guard vessels and Chinese Maritime Militia,” sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa X (dating Twitter).

“Their reckless and illegal actions led to a collision between MRRV-4407 and China Coast Guard 21555 that resulted to minor structural damage to the PCG vessel,” dagdag pa niya.

Bukod sa banggaan, iniulat din ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na ang isa sa mga resupply boat na Unaizah May 4, ay tinamaan ng water cannon sa kasagsagan ng misyon.

Sinabi ng American maritime security analyst na si Ray Powell, na sumusubaybay sa misyon, na ang Unaizah Mayo 4 ay nagtamo ng maliit na pinsala dahil sa water cannon incident.

“I’ve received sufficient independent (unofficial) accounts to report with high confidence that Unaizah May 4, 1 of the Philippines’ two resupply boats, suffered minor damage & injuries resulting from use of a water cannon by a China Coast Guard ship this morning,” sinabi ng opisyal sa kanyang X (dating Twitter).

Sinabi ni Powell na dating United States Air Force official at dating defense attache na pabalik na ang BRP Sindangan kasama ang napinsalang Unaiza May 4 dahil hindi na ito pwedeng magpatuloy sa misyon.

Matagumpay naman aniyang nakarating ang iba pang resupply boat na Unaiza May 1 sa BRP Sierra Madre outpost.

Ngunit ayon kay Trinidad, nakarating ang Unaizah Mayo 1 sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal at natapos ang misyon nito.

“Unaizah Mae 1 has accomplished the mission. She has reached LT-57. Unaizah Mae 4 and the Coast Guard ships are still ongoing. We are waiting updates on the final report on status of the mission,” ani Trinidad.

Apat na Chinese Coast Guard vessels at 11 Chinese maritime militia ships ang na-monitor sa bisinidad ng Ayungin Shoal, ayon kay Trinidad.

Dahil sa pangyayari, nagpahayag ng pag-aalala ang top diplomat ng European Union sa Manila, sa pinakahuling dangerous maneuvers ng China sa Philippine resupply vessels sa WPS.

Samantala, sinabi ng CCG na gumawa sila ng control measures laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na ilegal na pumasok sa tubig na katabi ng Second Thomas Shoal, na isang pinagtatalunang atoll sa South China Sea.

Ang Ayungin Shoal ay tinatawag ding Second Thomas Shoal.

Sinabi ng China na ang insidente ay nangyari malapit sa tubig na katabi ng Renai Reef, na kilala rin bilang Second Thomas Shoal, isang lugar sa South China Sea na nakitaan ng ‘run-ins’ ng coast guard ng China at mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa nakalipas na ilang buwan.

Ayon kay Trinidad, ang China ay isang malinaw at kasalukuyang hamon para sa Philippine Navy sa WPS.

Nitong Pebrero 28, ang Pilipinas ay nagsampa ng siyam na diplomatikong protesta laban sa China, sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Teresita Daza.

Ang kabuuang bilang ng mga protesta sa ilalim ng administrasyong Marcos mula Hulyo 2022 hanggang Pebrero 28 ng taong ito ay 142, ayon kay Daza. Jocelyn Tabangcura-Domenden