Home NATIONWIDE Disposable vapes nagbabadyang ipagbawal

Disposable vapes nagbabadyang ipagbawal

MANILA, Philippines- Pinalutang ni Finance Secretary Ralph Recto nitong Martes ang posibilidad ng pagbabawal sa pagbebenta ng disposable vapes sa Pilipinas, na aniya ay karamihan ay unregistered products. 

“I think we should ban disposable vape products. Most if not all disposable vape products are unregistered with DTI (Department of Trade and Industry) and do not pay excise taxes,” pahayag ni Recto.

Subalit, nilinaw ng Finance chief na hindi pa niya pormal na nailalatag sa DTI ang panukala.

Ang DTI ang ahensyang responsable sa regulasyon ng mga vape at iba pang bagong tobacco products.

“We don’t know if it’s safe being unregulated. They do not pay taxes and are sold/appeal to minors,” wika ni Recto.

Anf disposable vape ay non-rechargeable device na pre-charged at may pre-filled with liquid.

Ipinag-uutos ng Bureau of Internal Revenue regulations ang P52 per milliliter tax para sa nicotine salt/salt-freebase, tulad ng disposable vapes. Para sa conventional freebase nicotine variants, mas mababa ang buwis sa P60 per 10 milliliters.

Sinabi ni Recto na kung tumatalima ang disposable vape makers sa tax obligations, hindi dapat bababa sa P3,000 kada isa ang selling price ng kanilang devices.

“It should not be sold for less than probably P3,000,” ai Recto.

Ibinebenta ang disposable vapes sa online marketplaces sa mahigit P120 hanggang mahigit P430 kada device. RNT/SA

Previous articleHirit ng PhilHealth: Dagdag-kontribusyon ng mga miyembro para sa mas malaking benepisyo
Next articleBarko ng Pinas, Tsina nagbanggaan!