Home ENTERTAINMENT GMA magpo-produce ng sariling noontime show; EB, di ‘na ire-renew?

GMA magpo-produce ng sariling noontime show; EB, di ‘na ire-renew?

Manila, Philippines- Confident ang Tape, Inc. na hanggang 2024 pa mananatili–at mamamayagpag–ang Eat Bulaga sa ere.

Ito’y dahil sa kabila ng legal battle na kinakaharap nito, EB’s contract with GMA is effective until next year.

Marami na naman ang nagsasabi, isa na rito ang kolumnistang si Butch Francisco, na posibleng sa 2025 ay magpoprodyus na ng sariling noontime show ang GMA.

Sa madaling salita, wala nang lulugaran ang Tape, Inc.-produced EB sa Kapuso network.

This possibility is not remote.

Kung magpoprodyus nga naman ang GMA ng sarili nitong pananghaliang programa, this will automatically translate to higher revenues for the network.

Wala rin naman itong epekto sa mga current EB hosts dahil lahat sila’y mga GMA talents.

Ito, ayon kay Butch, is a likely scenario: Tape, Inc. out; station-produced show in.

By 2025 din inaasahang expired na ang kontrata ng It’s Showtime sa GTV unless gugustuhing i-renew ng istasyon ang kontrata nito.

Samantala, as already announced ay mapapanood na rin ang TVJ’s legit Eat Bulaga sa CNN bukod sa TV5.

Obyus naman na ang dahilan nito’y to compensate for the poor signal ng Kapatid network.

So, is it safe to say na 2024 na ang huling taon ng Jalosjos-produced noontime show? Ronnie Carrasco III

Previous article2023 unemployment rate bubuti sa 2024 – economist
Next articleSHS learners sa SUCs, LUCs pwedeng lumipat sa pampublikong paaralan – DepEd