Home NATIONWIDE SHS learners sa SUCs, LUCs pwedeng lumipat sa pampublikong paaralan – DepEd

SHS learners sa SUCs, LUCs pwedeng lumipat sa pampublikong paaralan – DepEd

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules, Enero 3, na ang mga estudyante na maaapektuhan ng pagpapahinto sa SHS program sa state at local universities at colleges na maaari itong lumipat sa mga pampublikong paaralan na nag-aalok ng basic education.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Michael Poa na ang displaced SHS learners ay pwede ring mag-enroll sa mga pribadong paaralan sa susunod na school year at mag-avail ng voucher program.

Matatandaang nag-isyu ang Commission on Higher Education (CHED) ng memorandum, na iginigiit na ang pag-aalok ng SUCs at LUCs ng basic education sa pamamagitan ng SHS ay limitado lamang sa K-12 transition period mula School Year (SY) 2016-2017 hanggang SY 2020-2021.

Sinabi ng CHED na naglabas na din ng notice ang DepEd sa pamamagitan ng Private Education Assistance Committee na wala na dapat na Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GATSPE) beneficiaries mula sa SUCs at LUCs simula SY 2023-2024, maliban sa mga papasok ng Grade 12.

Ani Poa, hindi maaapektuhan ng direktiba ang mga recipient ng SHS voucher program.

“This is because for the current school year (SY 2023-2024), wala na po tayong Grade 11 Voucher Recipients sa SUCs and LUCs. The voucher application system no longer accepted Gr 11 applicants in schools tagged as SUCs and LUCs,” sinabi pa ni Poa.

Aniya, magbibigay pa rin ang DepEd ng mga voucher sa Grade 12 learners sa SUCs at LUCs upang matapos nila ang senior high school.

Para naman sa non-voucher recipients, sinabi ni Poa na makikita sa DepEd database na mayroong 17,700 Grade 11 learners na naka-enroll ngayong school year sa SUCs at LUCs sa buong bansa.

“Nonetheless, based on the reports of our Regional Directors, our public schools will be able to accommodate those that may be displaced. May mga regions rin po na wala nang SHS learners sa mga SUCs and LUCs so no one will be displaced in these regions,” dagdag pa niya. RNT/JGC

Previous articleGMA magpo-produce ng sariling noontime show; EB, di ‘na ire-renew?
Next articleMarcos-Duterte ‘honeymoon period’ tapos na – Pimentel