Home NATIONWIDE Marcos-Duterte ‘honeymoon period’ tapos na – Pimentel

Marcos-Duterte ‘honeymoon period’ tapos na – Pimentel

MANILA, Philippines – Natapos na ang honeymoon period ng tambalan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Miyerkules, Enero 3.

“Ako personal opinion ko, ‘yung relationship ng dalawang camps sa tingin ko if ever may honeymoon man sa relationship nila, mukhang wala na talaga ngayon,” ani Pimentel sa isang virtual interview, nang tanungin patungkol sa bumababang trust rating ng dalawa.

“Parang sa ngayon the Marcos camp is being represented by the Speaker of the House. Parang si Speaker [Martin] Romualdez ang face of the so-called ‘Marcos camp.’ ‘Yung relationship ni Speaker at tsaka ni Vice President parang obviously hindi okay,” dagdag pa niya.

Sa OCTA Research Group survey noong Oktubre 2022, nakatanggap ng 86% na trust ratings sina Marcos at Duterte.

Bumaba ito sa 73% kay Marcos, at 75% kay Duterte noong Oktubre 2023.

Wala pang tugon ang Malacañang at OVP kaugnay sa komento ni Pimentel. RNT/JGC

Previous articleSHS learners sa SUCs, LUCs pwedeng lumipat sa pampublikong paaralan – DepEd
Next articlePagbibigay ng guarantee letters, ibinalik ng DSWD