Home NATIONWIDE Pagbibigay ng guarantee letters, ibinalik ng DSWD

Pagbibigay ng guarantee letters, ibinalik ng DSWD

MANILA, Philippines – Itinuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng guarantee letters (GLs) para sa mga Filipino na kailangan ng cash aid para sa medical at funeral expenses, matapos itong ihinto noong Disyembre 2023.

“This is to conform doon sa requirements ng ating financial management service kung saan kailangan natin i-collate ang mga kailangan natin bayaran, kasi of course we have to pay for the services of our service providers, particularly mga hospitals and funeral parlors,” sinabi ni DSWD co-spokesperson Irene Dumlao sa panayam ng ABSCBN.

Ang pagbibigay ng guarantee letters ay nagbalik noong Enero 2. Karaniwan itong ibinibigay sa mga Filipino na nangangailangan ng tulong sa medical at funeral expenses na mahigit sa P10,000.

Sa kabila nito, suspendido rin ang paglalabas ng agarang cash assistance habang hinihintay pa ang pag-download ng pondo sa Department of Budget and Management (DBM).

“Ito’y sa kadahilanang naghihintay din naman ang DSWD ng pag-download ng pondo. Kinakailangan na may notice of cash allocation mula sa DBM bago tayo makapagbigay ng cash sa ating mga kababayan,” ani Dumlao.

Umaasa umano ang DSWD na makuha na ang pondo sa unang buwan ng 2024.

Ang outright cash assistance ay karaniwang ibinibigay sa mga nangangailangan ng mas mababa sa P10,000 tulong. RNT/JGC

Previous articleMarcos-Duterte ‘honeymoon period’ tapos na – Pimentel
Next articlePNP susuportahan ng PCG sa pagpapatupad ng seguridad sa Traslacion