Manila, Philippines- May inilabas palang direktiba ang pamunuan ng GMA na nagbabawal na sa mga tauhan ng produksyon na makipag-close sa mga contractual talents nito.
Ito ang iniulat ni Ogie Diaz na ginawa nilang paksa sa kanilang online show na Showbiz Update.
Pero inamin ng content creator cum talent manager na naulinigan lang niya ang tsikang ito.
Sa ngayon ay sinisikap daw niyang beripikahin ito mula mismo sa mga contact niya sa loob ng Kapuso network.
Pero pasintabi ni Ogie, wala naman daw masamang ibig ipakahulugan ang GMA.
Kumbaga, following the respective cases in which Sandro Muhlach and Gerald Santos are involved ay nag-iingat na raw ang istasyon.
Ito’y bagama’t hindi dapat ibunton ang sisi sa GMA kung may mga ganoong pangyayari.
Naging receiving end nga naman ang GMA na kung tutuusi y walang kamalay-malay o may kinalaman sa sinapit nina Sandro at Gerald.
“Eh, kahit naman sa ABS-CBN Ball, may mga nangyayaring ganyan.
“Hindi isolated case ang nangyari sa
GMA Gala,” pagkaklaro ni Ogie.
Sandro has accused Jojo Nones and Richard “Dode” Cruz of sexual harassment, so has Gerald involving Danny Tan.
“Kung tutuusin, wala namang masamang makipag-close ang program staff sa mga artista ng kanilang hawak na show, pero para maiwasan na rin,” dagdag pa ni Ogie na nauunawaan ang bagong polisiya na ipinatutupad ng GMA. Ronnie Carrasco III