Home METRO Misis nagbigti sa sakit

Misis nagbigti sa sakit

MANILA, Philippines – Isang ginang ang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa umano’y depresyon sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite.

Kinilala ang biktima na may-asawa, at nakatira sa Brgy. Cabuco, ng nasabing lugar.

Sa ulat, bandang alas-6:20 kamakalawa ng umaga nang nadiskubre ang pagpapakamatay ng biktima ng kapatid nito na si Raymark sa loob ng kanilang bahay sa Sunshine Ville Brgy Cabuco, sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang isang cable wire.

Ayon pa ay Raymark, walang foul play sa pagkamatay at maaaring depresyon ang sanhi nito dahil sa sakit na goiter na maaaring nagtulak sa biktima upang magpakamatay. Margie Bautista