Home NATIONWIDE 2 pulis sugatan sa accidental explosion sa Bukidnon

2 pulis sugatan sa accidental explosion sa Bukidnon

MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawang pulis matapos ang aksidenteng pagsabog ng pampasabog na dapat sana ay para sa Post Blast Investigators Course, sa national highway ng Libona, Bukidnon.

Ayon sa Libona Police Station, patungo ang police instructors at mga trainees nito sa nakatakdang training at practical exercise sakay ng pickup truck nang mangyari ang pagsabog sa pakurbang bahagi ng kalsada.

Dala-dala din ng naturang pickup truck ang explosive component na gagamitin sana para sa practical exercise.

“Mag-conduct unta sila og practical exercises. Kani ilang Post Blast Investigation Course while ongoing unta sila sa area kung asa sila mag set-up, naa’y component nga mibuto sulod sasakyanan aning mga instructor,” sinabi ni Libona Municipal Police Station Chief, Major Patrick Castro.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Regional Explosives and Canine Unit sa lugar para iproseso ang blast site.

Dinala naman sa ospital ang mga sugatan na nasa ligtas nang kalagayan.

Wala naman sa mga trainees ang nasaktan.

Nilinaw ng pulisya na ang insidente ay hindi dahil sa bomba o resulta ng anumang kriminalidad.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang sanhi ng pagsabog. RNT/JGC