Home NATIONWIDE Relief operations ng Kamara, tinapos na

Relief operations ng Kamara, tinapos na

MANILA, Philippines – Tinapos na ng Kamara ang isinagawang relief operations nito kaugnay sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Enteng sa Rizal at Zambales.

Matagumpay na natapos ang nabanggit na relief operations na pinangunahan ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez, Tingog Partylist Reps. Yedda Romualdez andt Rep. Jude Acidre.

“The success of this relief operation is a testament to what we can achieve when we unite for a common cause. Our work does not end here; we remain committed to supporting these communities in their recovery and rebuilding efforts,” ayon sa pagpapasalamat ni Speaker Romualdez sa mga tumulong.

Ang buong operasyon ng pamimigay ng ayudad sa may limang munisipalidad biktima ng bagyong Enteng ay naisagawa sa poakikipag-ugnayan na rin sa tanggapan ni Zambales 2nd District Rep. Bing Maniquiz, delivering relief packs to five municipalities. The aid package included Department of Social Welfare and Development relief packs, supplementary groceries and P500 transportation allowance per family.

Sa kabuuan ay may 10,374 ang nabigyan ng ayuda o 51,783 individuals.

Kasabay nito ay pinasalamatan ni Rep. Yedda Romualdez ang maraming nagboluntaryo na tumulong sa paghahanda ng mga relief packs, mga local leaders, at partner organizations.

“The spirit of cooperation and compassion has shone brightly through these challenging times. Our collective effort has truly made a difference in the lives of those affected,” banggit ni Romualdez.

Dahil dito, muling inihayag ng Tingog Partylist at ng tanggapan ni Speaker Martin Romualdez na ipagpapatuloy ang pamamahagi ng tulong at suporta lalo na sa mga nasalanta ng bagyo at kalamidad. Meliza Maluntag