Home NATIONWIDE Gobyerno, magtatayo ng veterans’ hospitals sa Visayas, Mindanao

Gobyerno, magtatayo ng veterans’ hospitals sa Visayas, Mindanao

120
0

BATAAN, Philippines – Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magtatayo siya ng mga ospital para sa mga beterano sa Visayas at Mindanao upang maging mas accessible sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga nag-alay ng kanilang buhay para sa bansa.

Inihayag ng Pangulo ang pangako niyang ito sa harap ng mga surviving World War II veterans sa isinagawang ika-84 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan (Day of Valor) sa Bataan.

“The story of Bataan is a cornerstone of our national identity and a guiding light for the generations that follow. And in honoring our heroes who made all of these possible, we must ensure that they receive the care and support that they deserve,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati sa Mt. Samat National Shrine sa bayan ng Pilar.

“This is why we continue to work closely with the Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) to establish veterans hospitals in the Visayas and in Mindanao, making healthcare more accessible to those who have long served our nation,” aniya pa rin.

Sa ngayon, mayroon lamang isang veterans’ hospital sa bansa, ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City, mayroong 260,000 outpatient ang bumibisita taun-taon.

Ang VMMC ay isang tertiary-level government hospital na may 766-bed capacity at 1,562 personnel. Ang pasilidad nito ay sa ilalim ng PVAO, isang tanggapan sa ilalim ng Department of National Defense.

Sinabi ng Pangulo na nais niyang tiyakin na ang mga beterano ay mabibigyan ng ‘available and efficient at healthcare services.’

Nauna rito, sinabi ng PVAO na nakikipag-ugnayan na ito sa Department of Health para magtayo ng wards lalo na para sa mga beterano sa regional hospitals.

Ang hakbang ay makapagbibigay benepisyo sa mga veterans na naninirahan sa mga lalawigan na hindi magawa at kayang pumunta ng VMMC para sa tulong.

Ayon kay PVAO deputy administrator Assistant Secretary Restituto Aguilar, mayroon lamang silang anim na veterans’ wards mula sa bilang na 36 na planong itayo ng ahensiya.

Ang bawat wards ay pinaglaanan ng P25-million budget, kabilang na ang mga kama at amenities. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here