Home NATIONWIDE Gobyerno, magtatayo pa ng 13 karagdagang pumping station sa MM

Gobyerno, magtatayo pa ng 13 karagdagang pumping station sa MM

1
0

MANILA, Philippines – Magtatayo ang gobyerno ng 13 karagdagang pumping stations sa Kalakhang Maynila dahil sa climate change, pagtaas ng volume ng ulan na pumapasok sa Pilipinas at mararanasan sa hinaharap.

Ang nasabing karagdagang pumping stations ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay matagumpay na maitatayo bago matapos ang taon o sa pagsisimula ng susunod na taon.

“Most of them should be in place already, ang bahagi ng nafging talumpati ng Pangulo matapos pangunahan ang pag-inspeksyon sa Tripa De Gallina Pumping Station, na inihayag sa Tripa de Gallina Pumping Station, Brgy. 190, Bac 1-11, Pasay City, ngayong araw ng Huwebes, Agosto 20.

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na nagpunta siya sa pumping station sa nasabing lugar upang personal na tingnan kung sapat ang pumping station dahil ang katotohanan aniya ay talagang napakarami ang tubig na bumabagsak ngayon kumpara sa mga nakaraan na taon.

“Kaya’t kailangan tingnan natin kung sapat ang volume na kaya ng mga bomba natin para ilabas ang tubig. Siyempre ang nakikita natin problema, number one, ‘yung basura ulit. Kasi, kaya’t ‘yan ang tiningnan natin, okay naman, malakas naman ‘yung mga bomba natin, umaandar naman silang lahat,” ayon sa Pangulo.

Aminado ang Pangulo na ang nagiging problema pa rin aniya ngayon ay ang pagpasok ng basura.

Kaya’t naghahanap aniya siya ng mga iba’t ibang pamamaraan upang magamit ang basura.

“At ‘yan, ginagawang compost, ginagawang paso na organic, at saka—tapos ‘yung, pero ‘yung iba, kailangan talagang itapon sa landfill.

Kaya’t ‘yun ang kailangan nating ayusin talaga. Kahit na maganda ang ating pumping station, kahit na malakas ang ating mga bomba, kapag nandiyan pa rin, pumapasok pa rin ‘yung basura, siyempre ang efficiency niyan bababa, hindi na masyadong maganda ang takbo. Kaya’t ‘yan ang kailangan natin ayusin ngayon,” litaniya nito.

Muli aniya ay hindi naman iyon makalulutas ng problema sa basura.

“And so, that is why we are here trying to find ways to dispose of the garbage in an environmentally friendly way. That’s why they are creating compost, none of the organic waste goes to waste,” anito.

Tiniyak naman ng Pangulo na ang lahat ng organic waste ay magagamit habang ang lahat naman ng ibang norganic waste na ibinato na sa sistema ang magiging problema naman ng gobyerno.

“Ang biro nga nila is that kung kukunin mo lahat ng lumalabas ng basura, puwede kang magbuo ng bahay dahil mayroong mga kitchen sink, may mattress tayong nakita, kung ano-ano ‘yung tinatapon sa ano. Kaya’t kailangan natin tugunan ‘yung problema sa basura,” ayon sa Pangulo.

“And that’s what we are trying to attend to now with our waste-to-energy programs which as I’m sure you have heard, the Department of Energy is already starting to auction. So, nagbi-bid na sila tungkol doon sa waste-to-energy project. Mas medyo mabilis naman ‘yan, at ‘yung waste-to-energy it should be…. As long as the financing is fixed and is available, I think we will be able to put those into action by next year,” ang pahayag nito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here