Pinangunahan ni Senator Bam Aquino ang pampublikong pagdinig ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship—na idinaos katuwang ang mga komite sa Economic Affairs at Finance—nitong Huwebes sa Senado sa Pasay City.
Tinalakay ng mga mambabatas ang mga panukalang pag-amyenda sa Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) at sa Go Negosyo Act, kalakip ang mga hakbang na naglalayong magbigay ng mas matibay na suporta sa maliliit na negosyo at isulong ang pagnenegosyo. CESAR MORALES